Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo ang Nutrition Month, alinsunod sa Presidential Decree No. 491 noong 1974! 🥦🥕🍎

Layon ng pagdiriwang na isulong ang pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 para wakasan ang food insecurity at malnutrisyon sa bansa.

Ang tema ngayong taon ay “Sa PPAN, sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat”.