QCitizens, July is Nutrition Month!
Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo ang Nutrition Month, alinsunod sa Presidential Decree No. 491 o ang “Nutrition Act of the Philippines”.
Layon nitong itaas ang kamalayan ng bawat Pilipino ukol sa wastong nutrisyon at wakasan ang food insecurity sa bansa.
Sa Quezon City, tinutugunan ng lokal na pamahalaan ang seguridad sa pagkain at nutrisyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng urban farming, pagpapatupad ng Healthy Public Food Procurement Policy, at pagsusulong ng calorie labeling policy.
