Aabot sa 500 na mga lutong masustansyang pagkain at sariwang gulay, na gawa sa rescued food, ang ipinamahagi para sa pamilya ng mga children with disabilities nitong Biyernes.
Sanib-pwersa sa programa ang QC Food Security Task Force (QCFSTF), Scholars of Sustenance (SOS), Concentrix, at QC Kabahagi Center for Children with Disabilities.
Layon ng programa na maiwasan ang pag-aaksaya ng pagkain at matiyak na nabibigyan ng wastong nutrisyon ang bawat QCitizen, lalo na ang mga batang may kapansanan.
Sa QC, sama-sama tayo sa pagkamit ng #ZeroHunger at #ZeroFoodWaste.