Sari-saring produkto mula Nueva Vizcaya, tampok sa QC!
Pormal nang binuksan ang NV Goes to Kyusi Trade Fair 2026 sa Gate 1 Covered Pathwalk, Quezon City Hall.
Pinasinayaan nina Coun. Charm Ferrer at mga kinatawan mula sa QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) at Nueva Vizcaya Provincial Cooperative and Enterprises Development Office (PROCEDE) ang Trade Fair and Market Linkaging Activity ngayong araw para mabigyang-daan ang entrepreneurs na ipakilala sa QCitizens at masuportahan ang mga lokal na produkto ng mga Novo Vizcayano.
Tampok ang 20 Nueva Vizcaya-based food at furniture merchants at ang kani-kanilang natatanging lokal na produkto.
Bukas ito mula September 15, 8:00AM to 6:00PM, hanggang September 18, 2026.










