Nakibahagi si Mayor Joy Belmonte sa paglulunsad ng O.N.E. (Oras Natin sa Efficiency), isang nationwide energy conservation campaign ng Department of Energy na naglalayong hikayatin ang mga Pilipino na magtipid sa konsumo ng kuryente.
Sa ilalim ng programa, hinihikayat ang publiko na patayin ang mga hindi ginagamit na ilaw at i-unplug ang mga hindi ginagamit na appliances tuwing Sabado, mula 8:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.
Layunin ng kampanya na gawing bahagi ng pang-araw-araw na lifestyle ang responsableng paggamit ng enerhiya.
Kasama ni Mayor Joy sa programa sina DOE Secretary Sharon S. Garin, Lance Y. Gokongwei, President and CEO of JG Summit Holdings Inc., at Mybelle V. Aragon-GoBio, President and Chief Executive Officer of Robinsons Land Corporation.
Patuloy na nakikiisa ang Lungsod Quezon sa mga programang nagsusulong ng sustainability, energy efficiency, at pangangalaga sa kalikasan.










