Inilunsad ng QC Government ang OASIS Schoolyard Design Exhibit sa Diosdado P. Macapagal Elementary School (DPMES) ka-partner ang Resilient Cities Network at Temasek Foundation.
Nanguna sa walkthrough design exhibit sina Mayor Joy Belmonte at Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo upang makita ang magiging itsura ng paaralan sa susunod na mga taon.
Ang design exhibit ay bahagi ng co-design process ng OASIS Schoolyard Project na may layon bigyan ng ‘green open spaces’ ang mga piling paaralan sa QC.
Ang exhibit ay itinayo upang alamin ang suhestyon ng mga mag-aaral, magulang at mga guro sa proposed design ng kanilang schoolyard.
Nakiisa sa programa sina Elijah Go Tian ng Resilient Cities Network, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, City Parks Development and Administration Department head Arch. Red Avelino, at pamunuan ng DPMES.
Bukod sa DPMES, kasama rin sa proyekto ang Manuel L. Quezon Elementary School at Placido Del Mundo Elementary School.