Pormal nang inilunsad ang OASIS Schoolyard Project sa Diosdado Macapagal Elementary School (DPMES)—ang kauna-unahang pilot site sa Quezon City na naglalayong gawing mas maka-kalikasan, mas malamig at mas akma sa nagbabagong klima ang eskwelahan
Sa pamamagitan ng OASIS (Openness, Adaptation, Sensitization, Innovation, at Social Ties), mas napoprotektahan ang mga mag-aaral laban sa matinding init, pagbaha, at iba pang panganib dulot ng climate change.
Tampok sa OASIS Schoolyard ng DPMES ang maaliwalas na central seating, benches, playground na may slide, monkey bar, tunnel, at shaded side park na may play at learning elements.
Kasama sa nagdisenyo ng OASIS Schoolyard ang mga guro, mag-aaral at komunidad ng DPMES. Sinusulong nito ang inklusibo at accessible spaces; experimental learning; at pagpapalakas ng pakikilahok at kamalayan ng komunidad.
Dahil magiging umpukan ng mga estudyante, mababawasan rin ang kanilang screen time o sobrang tutok sa gadgets.
Pinangunahan ang paglulunsad nina City Administrator Michael Victor Alimurung at Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, kasama si Ms. Lina Liakou, Global Director of Engagement and Practices ng Resilient Cities.
Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinarating nina Schools Division Superintendent at OIC Assistant Regional Director ng DepEd NCR, Carleen S. Sedilla, at DPMES Principal Wilma C. Obras.
Dumalo rin sa aktibidad sina City Architect Red Avelino, Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Bianca Perez.
Kasama sa launch sina Education Affairs Unit Head Maricris Veloso, City Parks Development and Administration Department Acting Assistant Head Michael Velasco, at Barangay Tatalon Chairperson Kiko Del Mundo.
Kasunod ng DPMES, isasagawa rin ang schoolyard transformation sa Manuel L. Quezon Elementary School at Placido del Mundo Elementary School.








