Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Association of Structural Engineers of the Philippines, Inc. para sa taong 2022-2023.
Isang pagbati para sa organisasyon sa pamumuno ng Presidente nito na si Engr. Ariel Santos, Vice President Engr. Mark Nelson Lucio, Secretary Engr. Rodolfo Mendoza Jr., at Treasurer Engr. Maricon Pineda.
Ibinahagi ni Mayor Belmonte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dekalidad at matibay na mga programang pang-imprastruktura sa tulong ng mga civil engineers, lalo na sa panahon ng sakuna, para sa kaligtasan ng mga QCitizens.