Tumayong inducting officer si Mayor Joy Belmonte sa mass oath taking ceremony para sa school parent-teachers associations (SPTA) at student organizations ng Don Alejandro Roces Sr. Science-Technology High School (DARRSTHS) ngayong araw.

Pagbati sa mga bagong opisyal at miyembro ng DARRSTHS na binubuo ng SPTA, Homeroom Parent Teachers Association, Grade Level Representative Association, at ng Student Supreme Learner Government Officers (SSLG).

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na dapat isapuso ng mga bagong opisyal ang pagiging servant leader, na ang tanging adhikain bilang lider ay gawin ang lahat upang makapag hatid ng serbisyo at mapaunlad ang kanilang komunidad at paaralan.

Inihayag din ng alkalde na magpapatuloy ang lokal na pamahalaan na maparami pa ang mga Science and Technology High Schools sa lungsod.

Dumalo sa event sina Coun. Egay Yap, SPTA Pres. Engr. Leny Marques, DARRSTHS Principal Adora Teaño, QCFED PTA Pres. Melanie Ranjo, SSLG Pres. John Noriel, at ALS & Madrasa Education Program Supervisor Roger Tomondong.

#TayoAngQC

+17