Dumarami na ang mga kalalakihan na kasapi ng MOVE (Men Opposed to Violence Against Women Everywhere) na handang maging kaagapay ng kababaihan sa pagsulong ng VAW-free community sa Lungsod Quezon!
Nanumpa ang mga lalaking estudyante mula sa Quezon City University bilang bagong miyembro ng MOVE. Pinangunahan ito nina Vice Mayor Gian Sotto at MOVE PH National President Rey De Guia.
Inihayag ni Mayor Joy Belmonte na higit na mahalaga ang pakikiisa ng mga kalalakihan sa paghinto ng pang-aabuso at karahasan sa kababaihan. Nakiisa rin sa okasyon si Dr. Theresita Atienza, Presidente ng QCU at mga kinatawan mula sa QC Gender and Development Council.