Pagbati sa mga bagong halal na officer ng Asamba Homeowners Association ng Barangay Baesa!
Ngayong Lunes, pormal nang nanumpa kay Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng organisasyon, sa pangunguna ng kanilang President na si Mr. Jerry Pingol.
Sinisiguro ng lokal na pamahalaan ang maigting na ugnayan sa grupo, para maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang komunidad.
Nagsilbi namang saksi sa kanilang oath-taking ceremony sina District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave at Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz.








