Pormal nang nanumpa kay Mayor Joy Belmonte ang mga bagong lingkod bayan ng Barangay Balingasa at Barangay Sta. Lucia.
Si Ms. Joan Dayat ay magsisilbi bilang Kagawad ng Barangay Balingasa, habang si Ms. Antonina Ninal naman bilang Kagawad ng Barangay Sta. Lucia.
Naging saksi sa kanilang oath-taking ceremony sina District 5 Action Officer William Bawag at Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz.



