Pormal nang nanumpa kay Mayor Joy Belmonte ang mga bagong opisyal ng Executive Committee at Senior Management ng Boy Scout of the Philippines – Quezon City Council.
Nagsilbing inducting officer si Mayor Joy sa ceremonial oath-taking ng ExeComm ng BSP-QC ngayong hapon, na pinangungunahan ni former Coun. Eufemio Lagumbay bilang Chairperson.
Ang BSP QC ay katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng disiplina at leadership sa mga kabataan.