Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na child representatives ng mga kabataang QCitizen!
Sina Angelo Alejo ng Barangay Bagong Silangan at Janiyah Redota ng Barangay Gulod ang magsisilbing boses ng mga kabataan sa QC Council for the Protection of Children (QCCPC).
Maaari rin nilang ilapit ang mga hinaing at suhestyon ng mga kabataang QCitizen para mas maging angkop at naaayon sa kanilang pangangailangan ang bawat programa at serbisyo ng pamahalaang lungsod.
Nagsilbing inducting officer ng kanilang oath-taking ceremony si Mayor Joy Belmonte, at naging saksi naman sina Vice Mayor Gian Sotto at mga konsehal.