Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pormal nang nanumpa ang bagong board members ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) para sa 2025-2028.
Binubuo ng mga konsehal, barangay officials, at mga kinatawan ng civil society organizations (CSOs) at pribadong sektor, layon ng PLEB na tiyakin na matapat at ginagampanan ng mga pulis ang kanilang tungkulin.
Nagsilbing inducting officer sa kanilang panunumpa si Mayor Joy Belmonte, na sinaksihan ni PLEB QC Chief Administrative Officer Atty. Terence Thomas Cosare.








