Nagsilbing officiating officer si Mayor Joy Belmonte para sa mga bagong halal na opisyal ng Quezon City Cooperative Development Council (QC-COOPDC) kasama sina Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) head Mona Yap at Councilor Candy Medina.

Tatayong Chairperson ng konseho si Annabelle Espino, CPA at magsisilbing Secretary si SBCDPO head Yap.

Mainit na pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng QC-COOPDC.

Hangad ng lokal na pamahalaan ang inyong patuloy na suporta upang mapaunlad ang mga maliliit na negosyo sa Lungsod Quezon.