Congratulations sa mga bago at muling naihalal na sector representatives ng People’s Council of Quezon City (PCQC)!
Pormal nang nanumpa kay Mayor Joy Belmonte ang 23 sectoral representatives ng PCQC, sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mr. Brian Lu.
Nanumpa na rin ang 50 napiling kinatawan ng mga civil society organization (CSOs) na magiging miyembro ng City Development Council.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Mayor Joy na patuloy na paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na pakikipagtulungan sa mga CSOs para maitaguyod ang good governance at inclusivity sa lungsod.
Hinimok niya rin ang mga CSO na mas maging aktibo, magbantay, mag-usisa, at magtanong tungkol sa lahat ng programa ng pamahalaang lungsod para matiyak na ang mga ito ay nararapat at tunay na tutugon sa mga suliranin ng mga mamamayan.








