Isang pagbati sa mga bagong inihalal na barangay officials sa Lungsod Quezon!
Pormal nang nanumpa ang mga newly-elected chairperson, kagawad, at Sangguniang Kabataan officials mula sa 142 barangays sa QC sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.
Hinamon ni Mayor Joy ang mga bagong lingkod bayan na isantabi ang pulitika, at isulong ang good governance sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan ang QCitizens.
Nakiisa sa oath-taking ceremony sina Vice Mayor Gian Sotto, Department of the Interior and Local Government – QC Director Emmanuel Borromeo, Commission on Election QC district officials, District Representatives, mga konsehal, district action officers at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.