Mas papalakasin pa ng Quezon City ang mga programa laban sa obesity at malnutrisyon!
Sa ginanap na Obesity Summit ngayong Lunes, pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang kampanya nito laban sa obesity- isang kondisyon kung saan labis ang taba sa katawan na kapag napabayaan, maaaring magdulot ng mga sakit.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang inisyatiba ng lungsod para maisulong ang malusog na pamumuhay sa mga QCitizen. Kabilang dito ang urban farming, calorie-labeling policy, 201 km protected bike lanes, GORA lanes, at linggo-linggong car-free, carefee sa Tomas Morato.
Nagpahayag din ng kanilang mensahe bilang suporta sina Royal Danish Embassy Ambassador to the Philippines His Excellency Franz-Michael Mellbin, Novo Nordisk Pharmaceuticals (Philippines), Inc. General Manager Wei Sun, at Department of Education Asec. Georgina Yang.
Para pagtibayin ang commitment ng lungsod laban sa obesity, itinurnover ni Mayor Joy sa Quezon City Council ang Healthy QC Ordinance- isang kumpleto at komprehensibong polisiya na magtatakda ng central framework para sa kalusugan ng bawat QCitizen.
Ang Obesity Summit ay inorganisa ng Quezon City Government, Royal Danish Embassy, at Novo Nordisk Philippines.
Bukod kina Mayor Joy, dumalo rin sa Obesity Summit sina Coun. Aly Medalla, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Dave Valmoncia, Coun. Ram Medalla, SK Federation President Coun. Sami Neri, at mga department head at school officials.










