Patuloy na bumababa ang bilang ng COVID-19 cases sa ating lungsod, QCitizens!

Mula sa 11 cases per day ay bumaba na ito sa 10 cases ngayong linggo.

Bumaba rin ang positivity rate sa 3.1% mula sa 3.6%. Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.

Ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay 0.83, mas mataas ng bahagya kumpara sa 0.78 noong nakaraang linggo.

Ipinapakita ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus. Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.

Bagamat idineklara na ng World Health Organization ang pagtatapos ng COVID-19 Public Health Emergency, hindi pa rin ito tuluyang nawawala sa ating mga komunidad kaya patuloy pa ring mag-ingat upang maging ligtas sa virus.