Binisita nina Mayor Joy Belmonte, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, at Parks Development and Adminisration Department (PDAD) chief Arch. Red Avelino ang OECO Circular Economy Solutions sa Paris, France upang alamin kung paano binabawasan at kino-kontrol ng mga French ang kanilang basura na maaaring i-replicate o gawin din sa Quezon City.

Pinuntahan nila ang OECO Washing Station, Bike Repair workshop, at Ressorcerie. Sa washing station, nililinis nang maayos ang mga reusable food container at cups para malimitahan ang paggawa ng mga lalagyan na isang beses lamang nagagamit. Gamit ang high-performance washing technology ng pasilidad, mahigit 10,000 container ang nalilinis nila kada araw.

Sa Bike Repair Workshop inaayos ang mga bisikleta upang maisulong ang active transport sa kanilang lugar. Sa Ressorcerie naman, sinusubukang ayusin ang sirang appliances at equipment para magamit pa nang mas matagal at maiwasan ang pagma-manufacture ng mga bagong produkto na makakadagdag pa sa basura at greenhouse gas emissions.

Kasalukuyang nasa Paris, France sina Mayor Joy at Villaroman para dumalo sa High Level Event to End Plastic Pollution na inorganisa ng French Government at United Nations Environment Programme (UNEP).

May be an image of 6 people and text that says 'Station'
May be an image of 3 people, service vehicle and text
May be an image of 1 person
May be an image of 2 people, turnstile, laundromat and text