Bumisita sa Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang mga taga Office of the Ombudsman na sina Assistant Ombudsman at Spokesperson na si Atty. Mico Clavano, at si Saleema Refran ng Public Information and Media Relations Bureau para sa isang benchmarking activity.
Layunin ng kanilang pagbisita na alamin ang mga proseso at best practices ng PAISD sa epektibong information dissemination, public communication, at studio operations ng departamento.
Nagbahagi ang bawat division ng PAISD ng kani-kanilang mga proyekto, workflow, at proseso sa pagbuo ng mga content at communication materials na ginagamit ng Pamahalaang Lungsod Quezon upang mas mapalawak ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko.
Ipinakita rin sa kanila ang state-of-the-art studio ng PAISD, kabilang ang proseso sa pagbuo ng bawat episode ng “Usapang QC,” ang award-winning online infotalk show ng Pamahalaang Lungsod Quezon.









