Muling namahagi ng tulong ang Office of the Vice Mayor Gian Sotto sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa District 5. Humigit kumulang 600 rice packs ang kanilang naipamahagi.
Handang tumulong ang lokal na pamahalaan sa mga QCitizens na ngangailangan lalo na sa panahon ng sakuna.













