Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na OFW Global Summit 2026 na may temang “Serbisyong Buo, Kalingang Totoo: An Inclusive Empowerment of Global OFWs for Resilience and Nation Building,” ngayong araw.
Hangad ng summit na ipamalas ang pagkakaisa at malasakit para sa ating mga kababayang manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Pinangunahan ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang pagtitipon na naglalayong palakasin ang suporta, proteksyon, at oportunidad para sa mga OFW na patuloy na nakikipagsapalaran para sa kanilang pamilya.
Nagbahagi rin ng kanilang mensahe ng suporta at pakikiisa ang mga kinatawan mula sa ibaibang ahensya ng pamahalaan, organisasyon ng OFWs, at mga mambabatas. Kabilang dito sina Arch. Abolcair D. Guro ng Alliance of OFWs Worldwide, Inc., Engr. Deovanni Miranda ng Philippine National Railways (PNR), at Yuko Tomita ng International Organization for Migration (IOM).
Sumuporta rin sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Atty. Patricia Yvonne M. Caunan, Undersecretary Ezzedin H. Tago ng Department of Foreign Affairs (DFA), at Hon. Robert “Bert” Nazal ng Bagong Henerasyon Partylist.
Nagbahagi naman ng mensahe sina Rep. Bryan B. Revilla bilang chairperson ng Committee on Overseas Workers Affairs sa House of Representatives, Sen. Raffy Tulfo bilang chairperson ng Committee on Migrant Workers sa Senado, at Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso.
Patuloy na nakikiisa ang Quezon City sa pagtataguyod ng mga programang nagsusulong ng proteksyon at kakalinga para sa mga OFW saan mang panig ng mundo.










