Sama-samang nagtanim ng puno ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at non-government organizations bilang bahagi ng One Million Tree Initiative ng Quezon City Government.
Pinangunahan ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) ang tree planting activity sa La Mesa Ecopark ngayong umaga, kasama ang Parks Development and Administration Department (PDAD), Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC), Eagles Club, at Rotary Club.
Ang One Million Tree Initiative ng pamahalaang lungsod ay naglalayong payabungin pa ang green spaces sa QC upang matugunan ang mapanganib na epekto ng pabago-bagong klima.