Simula ngayong araw, pwede nang ipa-assess at bayaran ONLINE ang business tax sa Quezon City sa tulong ng QC E-Services (https://qceservices.quezoncity.gov.ph).

Sa pamamagitan ng pag-click ng “Pay Business Tax” sa E-Services menu, maaari nang i-upload ang mga kinakailangang dokumento sa portal gamit ang inyong account. Sa loob lamang ng 10 hanggang 15 minuto (depende sa complexity ng mga dokumento), mai-assess na ang inyong papeles at maipapadala na ang final tax assessment bill sa inyo.

Dahil 100 percent online na ang lahat ng business process services ng QC, puwede na ring bayaran ang business tax ONLINE through GCash o Paymaya. May option din na manual payment sa lahat ng branch ng Landbank of the Philippines.

Bahagi ito ng digitalization program ng lungsod para mas maging madali ang business application para sa lahat ng negosyanteng QCitizen. Pagsasakatuparan din ito ng 14-point agenda ng lokal na pamahalaan na gawing “preferred destination for business” ang Quezon City.