Mas bukas na pamahalaan, mas malinaw na impormasyon! ![]()
Silipin ang datos. Alamin ang serbisyo. Makilahok. Dahil ang bawat sentimo ng inyong buwis ay napupunta sa mga programang may tunay na silbi para sa mamamayan.
Simula ngayong araw, maaari nang ma-access ang Open Data Dashboards ng ilan sa mga pangunahing serbisyo at programa ng lokal na pamahalaan.
Layunin nitong gawing mas madali para sa bawat QCitizen na makita, maintindihan, at masubaybayan ang impormasyon LIVE sa ating QC eServices platform!
Narito ang unang batch ng mga dashboard na maaari ninyong silipin:
QC Community Concerns & Response (Helpline 122)
QCitizen ID Holders
QC PWD Community
KyusiServed Free Maintenance Medicine Program
Pangkabuhayang QC Program
QC Scholarship Program
I-explore ang dashboards sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/ o i-scan ang QR code sa ibaba.
Mag-log in lamang gamit ang inyong QC eServices account at pindutin ang QC Open Data.
Para sa mas bukas, mas tapat, at mas mapagkakatiwalaang pamahalaan! ![]()
Paalala: Mangyaring i-access ang Open Data Dashboard sa isang desktop o device na may malaking screen para sa mas maayos na browsing experience.
Hindi inirerekomenda ang pag-access nito sa mga mobile device o mas maliit na screen dahil maaaring hindi maipakita nang tama ang ilang feature at maging limitado ang functionality nito.






