Congratulations, Quezon City!
Itinanghal na Regional Winner for Asia and the Pacific at Overall Winner for Thematic Award: Civic Space ang Quezon City Government sa 2025 Open Gov Challenge Awards na inorganisa ng Open Government Partnership (OGP).
Ito ay bilang pagkilala sa commitment title ng Pamahalaang Lungsod na “Support Capacity Building for Civil Society to Participate in Governance”.
Layunin nitong isulong ang iba-ibang programa at polisiya na nagbibigay halaga sa partisipasyon ng mamamayan sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag, makabuluhang pakikilahok, at pakikipag-ugnayan sa gobyerno.
Kinikilala ng Open Gov Awards ang mga natatanging inobasyon at mahuhusay na adhikain mula sa iba-ibang pamahalaan sa buong mundo upang itaguyod ang bukas at tapat na pamumuno.




