Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa bilateral meeting kasama ang mga opisyal ng Open Government Partnership (OGP) kasabay ng Asia and the Pacific Regional Meeting Philippines 2025.

Tinalakay sa pulong ang mga naging hakbang at napagtagumpayan ng lokal na pamahalaan noong may pandemya, digitalization initiatives na QC E-Services, at ang aktibong partisipasyon ng mga Civil Society Organizations mula sa People’s Council of Quezon City.

Binigyang pagkilala ng OGP ang 2 commitments ng lokal na pamahalaan na bahagi ng binuong Local Action Plan para sa #OpenGovChallenge.

Bahagi ng commitments ng QC Gov’t ang palakasin pa ang pakikiisa ng publiko sa pagbalangkas ng annual budget ng mga departamento at opisina ng lungsod. Kasama rin ang pagpapaigting ng civic engagement sa pamamagitan ng mga capacity development tungkol sa participatory governance.

Kasama sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung, Incoming OGP CEO Aidan Eyakuze, at OGP Local Lead José M. Marín.

+7