Ibinida ni Mayor Joy Belmonte ang digitalization initiatives ng lokal na pamahalaan sa naganap na Open Government Partnership (OGP) – Local Leaders Roundtable discussions na bahagi ng Asia and the Pacific Regional Meeting Philippines 2025.

Ipinaliwanag ni Mayor Joy na malaki ang tulong ng QC E-Services upang mas maipaabot ang serbisyo publiko sa QCitizens. Gumagabay din ito upang mapanatili ang good governance at zero corruption policies ng QC Government.

Nagsisilbing one-stop-shop ang QC E-Services para sa mga transaksyon at serbisyo ng lungsod na binubuo ng 20 systems at 100 services. Magagamit ito mula sa pagbabayad ng business permits, tax payments, health services, scholarship applications, at iba pang social services.

Sa buong bansa, isa ang QC sa anim na mga lokal na pamahalaan na kasali sa OGP. Layunin nitong isulong ang transparency, accountability, at partisipasyon ng taumbayan sa gobyerno.

Nagbahagi rin ang iba pang local leaders mula sa ibang mga bansa at mga civil society organizations na kasali sa OGP.

Dumalo sa rountable discussions sina British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils, Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong, Balanga City Mayor Francis Garcia, Larena, Siquijor Mayor Cyrus V. Calino, Department of Budget and Management Usec. Rolando Toledo, Kulhudhuffushi, Maldives Mayor Ahmed Athif, Armavir, Armenia Mayor Varsham Sargsyan, Madiun, Indonesia Mayor Elect Dr. Maidi, Metsamor, Armenia Mayor Varsham Sargsyan, Fuvahmulah, Maldives Mayor Ismail Rafeeq, at Kyrgyz Republic, Development Policy Institute Azamat Mamytov.

Kasama rin sina UCLG Asia Pacific Secretary General, Bernadia Tjandradewi, West Sumbawa,Indonesia Assistant Secretary Economic Suhadi SP Yerevan, Armenia Dep. Head of Finance Narek Minasyan, Pattiro Semarang – Indonesia Program Director Muklis Raya, NGO Center – Armenia President Arpine Hakobyan, International Lawyers Project, and OGP Steering Committee Member Programme Director Stephanie Muchai, OGP Incoming CEO Aidan Eyakuze, at OGP Local Lead Jose M. Marin.

+19