Nasa 100 daycare pupils ang tinuruan ng Quezon City Government ng iba-ibang batas trapiko at road signs, bilang bahagi ng month-long Road Safety Month celebration.

Tinuruan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) ang mga bata tungkol sa mga sasakyan, stop light, at kung paano ang tamang pagtawid sa kalsada.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga magulang at guardian ng mga bata na palaging sumunod sa mga batas sa kalsada para masigurong ligtas at malayo sila sa panganib lalo na kapag kasama nila ang kanilang mga anak.

+29