BUKAS NA ANG BALARA FILTERS PARK!
Ininspeksiyon ni Mayor Joy Belmonte ang isinasagawang rehabilitasyon ng lokal na pamahalaan sa Balara Filters Park sa Barangay Pansol.
Nais ni Mayor Joy na maparami pa ang mga green and open spaces sa Lungsod Quezon na maaring mapasyalan ng QCitizens.
Maari nang puntahan ang picnic grove area ng parke na mayroong mga repurposed materials bilang mga tables at chairs. Pet-friendly din ang parke dahil sa malawak ng dog park.
Layon ni Mayor Joy na maisaayos ang iba pang pasilidad sa parke tulad ng Windmill Park, A. Gideon Playground, ang Grotto, Balara Swimming Pool, Skate rink, at ang Pedro Tobias Park.
Kasama ng Alkalde na umikot sa parke sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, at Parks Development and Administration Department OIC Ar. Red Baltazar.