Buong araw nang matitikman ang authentic Italian coffee sa Araneta City sa Cubao!
Binuksan na ang Caffe Pocofino sa Ground Floor ng Gateway Tower ngayong hapon.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa opening ceremony ng cafe, kasama ang mga executive ng Pocofino, Italian Chamber of Commerce, at Araneta City.
Bukod sa kape, mayroon din ditong sandwiches, pasta, at desserts.