Binuksan na ngayong araw ang bagong Center for Wellness na matatagpuan sa Diliman Doctors Hospital!
Maaaring mag-avail ng Health Screening Packages sa bagong wellness hub mula sa Basic Health Screening Package, Executive Health Package, hanggang sa Comprehensive Health Package para sa mga pasyente.
Kumpleto ang pasilidad nito para sa mga pasyenteng nais magpa-Laboratory test, Radiology, Opthalmology Exam, Physical Examination, at may Heart Station din.
Nakiisa sa ribbon cutting ceremony sina Diliman Doctors Hospital President and CEO Dr. Lani Ancheta, QC Chief Health Operations Officer Dr. Dave Vergara, Coun. Aiko Melendez, Brgy. Matandang Balara Chairman Allan Franza, at ilang celebrity guests na sina Mr. Tonton Gutierrez, Ms. Glydel Mercado, at Ms. Carla Abella.