Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa muling pagbubukas ng Ferino’s Cafe na matatagpuan sa kahabaan ng Kalayaan Ave.
Kasama ng Alkalde sa ribbon cutting ceremony ang mag-asawang owners na sina Anne at Sonny Francisco at Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon City President Arch. Alfred Carandang.
Patuloy ang pagbabalik-sigla ng mga negosyo sa QC, bunsod ng mabuting pamamahala at suporta ng lokal na pamahalaan para sa business sector.
Tara na mga QCitizens, tikman ang kanilang classic Filipino delicacies!