Pormal nang binuksan ang kauna-unahang Foton EV dealership sa A. Bonifacio!
Available sa Foton A. Bonifacio ang iba-ibang commercial at heavy duty electric vehicles, kabilang ang trucks, vans, buses, at coaches.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang pamunuan ng Foton at Beatitude Auto Group na nagbukas ng panibagong delearship at nagtiwala sa lungsod.
Patuloy na inaayos at pinapaunlad ng pamahalaang lungsod ang mga permit at licensing processes para sa mga nais magbukas ng negosyo sa QC.
Dumalo si Mayor Joy sa grand opening ng Foton A. Bonifacio, kasama sina Beatitude Auto Group Dealer Principal Vince Licup, Foton Motor Phils Inc. General Manager Levy Santos, Department of Energy Chief Science Research Specialist Andy Ulgado, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.









