Sa QC, bida ang mga bata!

Sinalubong ng Lungsod Quezon ang Children’s Month sa paglulunsad ng Kiddielympics 2024, sa pangunguna ng Social Services Development Department (SSDD).

Sa Kiddielympics 2024, iba-ibang aktibidad ang inihanda ng SSDD gaya ng cheerdance, choral performance, caterpillar relay, t-shirt relay, hulahoop relay, ball relay, at balloon relay.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Mayor Joy Belmonte ang mga bata na makipagkaibigan at magsaya sa paglalaro. Pinasalamatan din ng alkalde ang mga magulang na itinuring niyang ‘partners’ ng lungsod sa pagpapalaki sa mga bata nang maayos at malusog.

Nakapila ngayong buwan ng kabataan ang pagbubukas ng Kidzoona Mobile Playground, pagdaraos ng Children’s Summit, at paglalahad ng State of the City’s Children Report.

+15