Sa QC, bahagi ka ng solusyon!

Pormal nang binuksan ang ika-siyam na primary care facility sa QC, ang Klinika Eastwood na matatagpuan sa third floor, Eastwood Citywalk Parking.

Nanguna sa ribbon cutting si Mayor Joy Belmonte kasama sina Councilor Chuckie Antonio, City Health Department OIC Dr. Ramona Asuncion-Abarquez, Eastwood City Asst. VP & General Manager Ms. Denisse Patricia Malong, at Philippine National AIDS Council Secretariat Director Dr. Joselito Feliciano.

Nakiisa rin sa opening ceremony sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Department of Health – MMCHD-NCR Director Dr. Rio Magpantay, Megaworld Lifestyle Malls Asst. VP Mr. Michael G. Lao, at Eastwood City Deputy General Manager Ms. Ritchie G. Pascual.

Libre para sa lahat ang mga sumusunod na services:

• HIV Screening

• HIV Counselling

• STI Consultation

• PrEP Initiation and refill

• ART Enrollment and refill

• HIV and STI Lecture

• Laboratories:

-CD4 Test

-Viral Load Test

-Complete Blood Count

-Blood Chemistry

Ang klinika ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 12:00 ng tanghali hanggang 9:00 ng gabi. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga programa ng QC laban sa HIV, maaaring bisitahin ang Quezon City Epidemiology & Surveillance Division at QC Service Delivery Network FB Page.

#QCZeroat2030

#QC85th

+22