Pormal nang binuksan ng Quezon City Government ang Media Center sa Community Center Building ng QC Hall Compound.
Ang Media Center ay magsisilbing pasilidad para sa mga mamamahayag na nakatalaga sa Quezon City. Mayroon itong computers at audio rooms na magagamit nila sa pagsusulat at pagre-record ng voice over para sa kanilang report.
Ang pagtatatag ng media center ay pagkilala ng lokal na pamahalaan sa mahalagang gampanin ng media sa pagbibigay impormasyon sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapalakas at mas mapapabilis pa ang paghahatid ng tamang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan, sa mga residente.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng pasilidad, kasama ang mga miyembro ng media organizations ng lungsod at mga department head.










