NEW EUROPEAN RESTO IN QC! 🍽️👨‍🍳

Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pagbubukas ng panibagong branch ng Geluk Gentri Restaurant sa Lungsod Quezon ngayong araw.

Ang pangalawang branch ng European Restaurant ay matatagpuan sa Panay Avenue. Nasa Banawe Street naman ang nauna nitong branch sa QC.

Ibinahagi ni Mayor Joy na ang patuloy na pagbubukas ng mga bagong negosyo sa lungsod ay patunay ng pagiging most business-friendly ng QC at tapat na pamamahala ng lokal na pamahalaan.

Nakibahagi sa ribbon cutting ceremony sina CEO and Head Chef Paxon Alcanzare, Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, Councilors Wency Lagumbay, Aiko Melendez, Ivy Lagman, Atty. Vincent Belmonte, Action Officer Atty. Zandy Zacate, P/B Beverly Gaw, at Isabela, District 6 Rep. Inno Dy.

Tara QCitizens, at subukan ang masasarap na pagkain at abot-kayang fine-dining experience dito sa QC!

+38