Masayang araw para sa mga QCitizen ng Barangay Payatas!
Opisyal nang binuksan ang unang Puregold branch sa Barangay Payatas ngayong Linggo.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa pagbubukas ng supermarket, kasama sina District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia, Payatas Chairperson Rascal Doctor, at mga opisyal ng Puregold.
Ayon kay Mayor Joy, ang pagbubukas ng Puregold sa Payatas ay patunay ng tiwala ng mga negosyante sa lokal na pamahalaan. Magbibigay din ito ng oportunidad para sa mga residente ng komunidad.
Ang Puregold Payatas ang ika-153 branch ng Puregold supermarkets sa Pilipinas.




