Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
BAGONG PASILIDAD PARA SA QCITIZENS! ![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang opening at blessing ng Quezon City Community Center sa Barangay Paligsahan kahapon.
Mayroon itong higit 20 meeting rooms at conference rooms, at isang events center.
Layon ng lungsod na gawing libre ang paggamit sa pasilidad para sa QC-accredited organizations para sa kanilang mga pulong at mga gawain para sa komunidad.
Bahagi ito ng core value ng lungsod na isulong ang participatory governance.
Para mas mapadali ang pag book sa center, ilulunsad ng lungsod ang online reservation system na QC Reserve: Community Center.
Dumalo sa programa ang Civil Society Organizations, District Action Officers, QC Department heads, at mga miyembro ng Rotary International.










