JOY IN QC!
Bukas na ang panibagong branch ng Jollibee sa Shell Edsa Balintawak, Quezon City. Mayroon itong drive-thru service, self-ordering kiosks, at 24/7 itong bukas upang magbigay saya sa QCitizens.
Ito na ang ika-93 branch ng Jollibee sa buong lungsod.
Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave.
Present din sa grand opening sina Barangay Apolonio Samson P/B Elizabeth De Jesus, Jollibee Philippines Vice President and Head of Marketing Dorothy Ching, at VP/RBU head Reynaldo Gabunada.




