PROGRAMANG MEDIKAL PARA SA QCITIZENS! ⚕️

Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ribbon cutting ceremony para sa pormal na pagbubukas ng isinaayos na Apolonio Samson Health Center.

Ilan sa mga serbisyo ng health center ay medical, dental, maternal and child, at mental health care.

Mayroon din itong mga serbisyo at programa kaugnay sa family planning, tuberculosis, pag-control sa non-communicable disease, clinical laboratory, at environmental sanitation.

Kasama ng alkalde sa pagpapasinaya sina District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Chief of Staff Rowena Macatao, D6 Action Officer Atty. Mark Aldave at P/B Cheche De Jesus.