UGBO SA BATASAN, BUKAS NA! 😋

Nakiisa si Mayor Joy Belmonte kasama sina District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro at Barangay Batasan Hills P/B Jojo Abad sa pagbubukas ng Ugbo sa Batasan 2024 kahapon.

Maaari nang matikman dito ang nagsasarapang 48 local food spots ng Barangay Batasan Hills tulad ng coffee, snacks, shawarma, fruit drinks & shake, milk tea, classic Pinoy street foods, ice cream, iba-ibang sisig, chicken wings, at pastries.

Pinailawan din ang Christmas Tree ng barangay. Gawa sa mga repurposed materials ang mga palamuting nakapalibot dito.

QCitizens, bisitahin na ang bagong food bazaar na nasa Barangay Hall. Magtatagal ito hanggang Pebrero 2025.

#TayoAngQC

#QC85th

+47