Binuksan ngayong araw ang “Ugnayan – Kwento ng Talában sa Pamayanang UP Diliman” exhibit na matatagpuan sa lobby ng Quezon City Hall.

Makikita rito ang mga kwento ng University of the Philippines Diliman, at kung paano ito naging bahagi ng kasaysayan ng mga estudyante, mga mamamayan sa loob ng UP, at ng bansa.

Dumalo rito si Mayor Joy Belmonte, UP Chancellor Edgardo Carlo Vistan II, Curator ng exhibit Mark Louie Lugue, mga estudyante mula UP, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Inaanyayahan ang lahat na bumisita sa exhibit, bukas ito sa publiko mula May 14 – May 27, 2024 sa QC Hall.

+32