NEW WELLNESS STUDIO IN QC!🏋🏽🏋️‍♀️💪🏼

Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa pagbubukas ng kauna-unahang branch ng Ultra Lagree Fitness Studio sa Bonavida Center sa Barangay Laging Handa, Lungsod Quezon.

Maaaring masubukan dito ang kanilang 45-minute class para sa full-body workout, kasama na ang cardio, weight and strength trainings gamit ang Megaformer machine.

Pinasinayaan din ang studio ng Ultraboxx Boxing Club para sa mga gustong mag boxing training.

Kasama ng alkalde sa inauguration sina Senator Jinggoy Estrada, Councilor Aly Medalla, at Ultra Lagree Ph owner Harold Lee.

+10