Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakibahagi si Mayor Joy Belmonte sa opening plenary ng Women Deliver pre-conference sa pagpapatuloy ng City Hub and Network for Gender Equity (CHANGE) Global Summit 2026 sa Melbourne, Australia.
Sa Fireside Chat, na may temang ‘Engaging Men in Care Systems’ tinalakay ni Mayor Joy ang mahalagang papel ng kalalakihan sa pagbubuo at paghububog ng mga programang inklusibo habang isinusulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian o gender equality tungo sa mas maunlad na komunidad.
Kasama rin sa diskusyon sina Melbourne Lord Mayor Nicholas Reece, at Equimundo CEO Gary Barker.










