Nagsagawa ng Operation Baklas ang Department of Public Order and Safety (DPOS) para tanggalin ang mga tarpaulins na ilegal na nakakabit sa mga pampublikong lugar o nakapaskil sa labas ng designated common poster areas sa lungsod.
Alinsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010, ipinagbabawal ang paglalagay ng streamers, tarpaulin, tin plate, sticker, pamphlets, decal, printed notices, signboard, billboard, at iba pang uri ng advertising paraphernalia sa mga hindi otorisadong lugar.
Layon ng ordinansa na masigurong maayos at sistematiko ang paglalagay ng mga tarpaulin, maiwasan ang kalat, at maayos ang gamit ng pampublikong espasyo.
Kung may nais idulog ukol dito, tumawag lang sa Helpline 122.