Muling nagsagawa ng Operation Baklas ang QC Department of Public Order and Safety sa ilang bahagi ng lungsod alinsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010.

Nakasaad sa ordinansa na ipinagbabawal ang pagpaskil ng streamers, stickers, decals, pamphlets, tin plates, cardboards, tarpaulins, printed notices, signboard, billboard, political propaganda, at anumang uri ng advertising paraphernalia sa mga hindi otorisadong lugar.

Muling ipinapaalala sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal na magpaskil sa mga sumusunod na lugar:

• Poste ng Meralco

• Pampublikong imprastraktura at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.

Para sa anumang reklamo o concerns ukol dito, maaaring dumulog sa Helpline 122 o magpadala ng mensahe sa Quezon City Government Facebook Page.

+17